I’m afraid of death!
napag-isip isip ko lang… pano kung namatay ako? Anong mangayayari sa’kin? Paano kaya ako mamamatay? Saan ako mapupunta ‘pag namatay na ‘ko?
will it hurt to die?
I don’t know the answer yet… And surely I don’t want to know the answer yet…
Alam kong lahat ng tao ay mamamatay din sa huli… walang matitira… pero, alam ko ring ‘di ko pa naaabot ang aking mga pangarap… at ayaw kong mamatay na malungkot… knowing that, wla akong naachieve… It’s hard to imagine na patay ka na pero ‘di mo manlang nagawa ang gusto mo… Ayoko ng ganon…
sabi ng iba, okey lang daw na mamatay… pero ayoko pa! tsaka mastado pa ‘kong bata… at isa pa, pag namatay na’ko, I’m sure na ‘di ko na maeexperience ang mga ginagawa ng iba…
*sigh* ewan ko kung bakit ito ang pumasok sa isip ko… pero I’m really sure na I don’t want to die…
Bakit ba may mura sa mundo???
Nakapagtataka ‘no? Bakit merong mura sa mundo? Paano ito nagawa? Sino ang may gawa nito? Bakit ito masama?
Meron lang akong natuklasan… Hindi ko lang alam kung tama ito at alam kong maraming di sasang-ayon dito… Pero wala kayong pakialam… blog ko ‘to… ipopost ko ang gusto kong ipost… kaya kung ayaw n’yong basahin itong entry na ito, bahala ka… Umalis ka na…
So, yun nga… ang topic na ipopost ko ngayon ay tungkol sa mga mura… Kasi, natuto akong nag-mura last school year… Pagkatapos mag-confession, tinry kong hindi mag-mura pero, Kahit paunti-unti, nagmumura parin ako… At napapansin ko, tuwing nababad trip lang ako nagmumura… kaya, pinag-isipan kng mabuti… at ito ang lumabas sa isip ko…
Nagmumura ang mga tao dahil meron silang hindi mailabas na sama ng loob… for example, kasi ako, pag nagagalit ako sa isang tao, ‘di ko pinapakita ng harap-harapan na galit ako sa kanya… nakukuntento na ‘ko na minumura s’ya ng talikuran… hehehe… Kaya sa tingin ko, yung ibang nag-mumura, nagmumura lang sila kasi meron silang ‘di mailabas na sama ng loob…
Hindi ko pa masyadong naiintindihan yung ibang taong nag-mumura kasi hindi ako naakarelate e… pero, ok lang ‘yun kasi alam ko, kahit na ikaw pa ang pinakamasamang tao sa buong universe, amnin mo, meron ka ring ginawang tama kahit minsan diba?!
ang tunay na dahilan…
well… ang totoo ko lang na pakay dito ay ang password-protected posts… pero, naawa ako sa blog na ito e… bka kung saka-sakali, meron nakapansin… tapos, ang makikita lang ay nag-iisang post na nga, password protected pa… mahirap ding namang mag-blog ng dalawa pero for sure, wala akong i-aabandon sa mga blogs ko kahit mahirap mag-blog ng dalawa… Kasi, ang blogs ko ay puno ng feelings… kaya nga ang blog ay naging online diary sa tawag diba?! obvious ba? ano bang use ng online diary kundi sulatan ng feelings mo, mga nangayri sa’yo, etc, etc… pero, ako, inaalala ko parin na may nag-babasa ng blog ko… (well, syempre nag-uumpisa tayo sa wala di’ba? at inabot ako ng months bago may nakabasa sa isa ko pang blog…) pero, hindi na ‘yan kasama sa topic dahil malayu-layo na ang inabot ng usapan natin at ibabalik ko na kayo sa topic… naliligaw na kasi kayo e… o, ayun nga, napag-desisyunan ko nang mag-lagay ng mga post dito kahit madalang lang… ok lang yun basta ay saysay ang blog…


