esp
waw. matagal-tagal din akong ‘di naka bisita dito ha?
okey. start.
kailan ba ang huling beses na humula ako at hindi nangyari? ‘di ko na maalala. basta ang alam ko, meron ako nitong espesyal na abilidad kung saan maaari akong maka hula ng mangyayari palang. ang kaso, ‘di ko naman alam kung kailan ito magkakatotoo. iiii. cripi. owwel. kasi, kani-kanina lang, habang ako’y nag-bablag, sinulat ko–este tinayp pala ang sentens na “ang trast ay ang pinakamahalagang bagay sa isang relasyon” aba naman, akalain mo bang ‘yun ang talagang sasabihin nung pinapanood kong drama sa krantsirol? hay. buhay talaga. pul op srprayses. hay.
oo nga pala, nag-blag ako ngayon dito dahil ayokong maging ganap na abandonadong blag itong blag na ito. mismo. kahit na kaya ako hindi nag-bablag dito ay dahil noong una, gusto ko na iyong abandonahin dahil marami na kong blag.
Bakit ba may mura sa mundo???
Nakapagtataka ‘no? Bakit merong mura sa mundo? Paano ito nagawa? Sino ang may gawa nito? Bakit ito masama?
Meron lang akong natuklasan… Hindi ko lang alam kung tama ito at alam kong maraming di sasang-ayon dito… Pero wala kayong pakialam… blog ko ‘to… ipopost ko ang gusto kong ipost… kaya kung ayaw n’yong basahin itong entry na ito, bahala ka… Umalis ka na…
So, yun nga… ang topic na ipopost ko ngayon ay tungkol sa mga mura… Kasi, natuto akong nag-mura last school year… Pagkatapos mag-confession, tinry kong hindi mag-mura pero, Kahit paunti-unti, nagmumura parin ako… At napapansin ko, tuwing nababad trip lang ako nagmumura… kaya, pinag-isipan kng mabuti… at ito ang lumabas sa isip ko…
Nagmumura ang mga tao dahil meron silang hindi mailabas na sama ng loob… for example, kasi ako, pag nagagalit ako sa isang tao, ‘di ko pinapakita ng harap-harapan na galit ako sa kanya… nakukuntento na ‘ko na minumura s’ya ng talikuran… hehehe… Kaya sa tingin ko, yung ibang nag-mumura, nagmumura lang sila kasi meron silang ‘di mailabas na sama ng loob…
Hindi ko pa masyadong naiintindihan yung ibang taong nag-mumura kasi hindi ako naakarelate e… pero, ok lang ‘yun kasi alam ko, kahit na ikaw pa ang pinakamasamang tao sa buong universe, amnin mo, meron ka ring ginawang tama kahit minsan diba?!


