Get ready to cry!

May 24, 2008 at 6:38 pm (somethings...)

Well… My sister found this vid while looking for the piano solo of Caged bird from DN Angel… I really cried because of this… I felt like “maybe my cats are also like this before I took care of them”… So… watch it!

Get ready!

http://youtube.com/watch?v=Oeb43rb2e5c

Permalink Leave a Comment

David Cook won!

May 22, 2008 at 5:01 pm (Yehey!)

Nakakatuwa talaa grabeh! Alam n’yo ba readers, na hindi ako natulog para lang makapanood ng American Idol Finals?!

Totoo! At alam n’yo ba na boto ako kay David Cook?!

Ayiiiiiiiiiiieeee!!!! Nanalo si David Cook! I’m so happy!

Actually, nung umpisa, wala akong manok sa kanila… last night ko lang s’ya naging idol kasi napagtanto kong he really is destined to be the american idol… kasi diba, ‘yung kapatid n’ya yung mag-aaudition pero s’ya yung nakasama… and, he made it to the final 2! so, nung time na ‘yun, i just thought… its amazing! how the thing they call “kapalaran” ay nagbibigay ng ganon kalaking success…

May rumor ding kumakalat na si David Cook daw ang pabor ng mga producer at unfair ‘yun para kay David Archu… pero ‘di ako naniniwala at kung totoo man ‘yun, ewan ko nalang… basta winner na s’ya!

oo nga pala… nakakaasar din habang nanood kami ng american idol replay kasi naman naklakaasar ang mga gamu-gamo sa bahay! istorbo sila! grrrr…..

at isa pa, manonood uli ako ng finals nila (kung meron) sa saturday at sunday… Hayayay!

Adik na kung adik… Basta manonood ako! Hmmph!

Permalink Leave a Comment

pano nagkaganon?

May 18, 2008 at 6:08 pm (somethings...)

oha! tignan mo kung kaya mo ‘to! 700- 149 =100! pano nga naman nangyari ‘yun no?

nagmall kami kahapon…

grabeh! kulang na kulang ang pera namin! syempre, back-to-school… madaming dapat bilhin… abonado pa ‘ko… sa totoo lang, 300 lang ang akin, 400 ang abono… pero parang ‘di naman nila ginamit yung akin e… nakakapagtaka lang, nung ginamit ko na ‘yung 300 ko, sabi ng ate kong tagahawak ng pera, “100 nalang ang pera mo sa’kin ha?!” syempre ako, takang-taka… sabi ko, “700 ang pera ko… ang ginamit ko, 149… tapos ang natira, 100… pano ‘yun?” ayun… nagkatawanan lang kami… tapos nanood na kami ng ikaw parin… tapos umuwi na… isa nanamang memorable na labas… pero wala na ‘kong pera… as in “ubos”… at matagal-tagal pa uli bago ko yun maipon uli… hay…

Permalink Leave a Comment

malapit na ang pasukan…

May 16, 2008 at 11:26 am (somethings...)

hay… malapit nanaman ang pasukan… maiistress nanaman ako sa pag-aaral… lagi nalang… kung kelan maraming extra curricular activities, nagkakasakit ako… pero ‘di na ngayon! promise! i will make it! pag-bubutihan ko ang pag-aaral! kaya ‘di muna ako makaka-update ng blog for a long time ha?! sorii po…

Permalink Leave a Comment

I’m afraid of death!

April 26, 2008 at 6:40 pm (somethings...) (, )

napag-isip isip ko lang… pano kung namatay ako? Anong mangayayari sa’kin? Paano kaya ako mamamatay? Saan ako mapupunta ‘pag namatay na ‘ko?

will it hurt to die?

I don’t know the answer yet… And surely I don’t want to know the answer yet…

Alam kong lahat ng tao ay mamamatay din sa huli… walang matitira… pero, alam ko ring ‘di ko pa naaabot ang aking mga pangarap… at ayaw kong mamatay na malungkot… knowing that, wla akong naachieve… It’s hard to imagine na patay ka na pero ‘di mo manlang nagawa ang gusto mo… Ayoko ng ganon…

sabi ng iba, okey lang daw na mamatay… pero ayoko pa! tsaka mastado pa ‘kong bata… at isa pa, pag namatay na’ko, I’m sure na ‘di ko na maeexperience ang mga ginagawa ng iba…

*sigh* ewan ko kung bakit ito ang pumasok sa isip ko… pero I’m really sure na I don’t want to die…

Permalink Leave a Comment

Protected: I hate them!

April 9, 2008 at 9:56 pm (bakit?) ()

This post is password protected. To view it please enter your password below:


Permalink Enter your password to view comments

Bakit ba may mura sa mundo???

April 7, 2008 at 6:25 pm (bakit?)

Nakapagtataka ‘no? Bakit merong mura sa mundo? Paano ito nagawa? Sino ang may gawa nito? Bakit ito masama?

Meron lang akong natuklasan… Hindi ko lang alam kung tama ito at alam kong maraming di sasang-ayon dito… Pero wala kayong pakialam… blog ko ‘to… ipopost ko ang gusto kong ipost… kaya kung ayaw n’yong basahin itong entry na ito, bahala ka… Umalis ka na…

So, yun nga… ang topic na ipopost ko ngayon ay tungkol sa mga mura… Kasi, natuto akong nag-mura last school year… Pagkatapos mag-confession, tinry kong hindi mag-mura pero, Kahit paunti-unti, nagmumura parin ako… At napapansin ko, tuwing nababad trip lang ako nagmumura… kaya, pinag-isipan kng mabuti… at ito ang lumabas sa isip ko…

Nagmumura ang mga tao dahil meron silang hindi mailabas na sama ng loob… for example, kasi ako, pag nagagalit ako sa isang tao, ‘di ko pinapakita ng harap-harapan na galit ako sa kanya… nakukuntento na ‘ko na minumura s’ya ng talikuran… hehehe… Kaya sa tingin ko, yung ibang nag-mumura, nagmumura lang sila kasi meron silang ‘di mailabas na sama ng loob…

Hindi ko pa masyadong naiintindihan yung ibang taong nag-mumura kasi hindi ako naakarelate e… pero, ok lang ‘yun kasi alam ko, kahit na ikaw pa ang pinakamasamang tao sa buong universe, amnin mo, meron ka ring ginawang tama kahit minsan diba?!

Permalink Leave a Comment

Protected: I miss *****…

April 4, 2008 at 9:52 pm (password-protected)

This post is password protected. To view it please enter your password below:


Permalink Enter your password to view comments

ang tunay na dahilan…

April 2, 2008 at 6:45 pm (somethings...)

well… ang totoo ko lang na pakay dito ay ang password-protected posts… pero, naawa ako sa blog na ito e… bka kung saka-sakali, meron nakapansin… tapos, ang makikita lang ay nag-iisang post na nga, password protected pa… mahirap ding  namang mag-blog ng dalawa pero for sure, wala akong i-aabandon sa mga blogs ko kahit mahirap mag-blog ng dalawa… Kasi, ang blogs ko ay puno ng feelings… kaya nga ang blog ay naging online diary sa tawag diba?! obvious ba? ano bang use ng online diary kundi sulatan ng feelings mo, mga nangayri sa’yo, etc, etc… pero, ako, inaalala ko parin na may nag-babasa ng blog ko… (well, syempre nag-uumpisa tayo sa wala di’ba? at inabot ako ng months bago may nakabasa sa isa ko pang blog…) pero, hindi na ‘yan kasama sa topic dahil malayu-layo na ang inabot ng usapan natin at ibabalik ko na kayo sa topic… naliligaw na kasi kayo e… o, ayun nga, napag-desisyunan ko nang mag-lagay ng mga post dito kahit madalang lang… ok lang yun basta ay saysay ang blog…

Permalink Leave a Comment

Protected: sad…

March 29, 2008 at 3:49 pm (password-protected)

This post is password protected. To view it please enter your password below:


Permalink Enter your password to view comments

« Previous page